Cherry Palma, ABS-CBN News
Posted at May 26 2020 07:58 PM

Sa mga larawang kuha ng residenteng si Kim Francisco sa kanilang pribadong lote sa Barangay Sumaray, San Remigio, Antique makikita ang namumulaklak na variety ng amorphophallus flower.

 

 

Nakitang namumulaklak ang isang uri ng amorphophallus flower sa San Remigio, Antique. Larawan kuha ni Kim Francisco.

Ayon kay Mayor Mar Mission Jr. ng San Remegio, Antique, ipinakita nila sa isang botanist ang mga bulaklak at nakumpirmang isang uri nga ang nga ito ng amorphophallus flower o ang tinaguriang “world’s “tallest flower.”

Umabot sa 7 talampakan at 9 pulgada ang diyametro ng pinakamatangkad na amorphophallus flower na nakita sa lugar.

Ayon kay Mission, ang topograpiya ng bayan ang tinitingnang dahilan kung bakit tumutubo ang naturang bulaklak.

“Ang San Remegio is a mountainous area, 70% of this during rainy season mahirap daanan. Wala kaming factory dito. Wala kami employment. Wala kaming restaurant. Wala kaming hotel,” aniya.

Dagdag pa ng alkalde, matagal nang nakikitang tumutubo ang iba’t ibang klase ng amorphophallus flower sa kanilang lugar pero hindi gaanong nabigyan ng atensyon.

“Definitely buong bayan ang makikinabang nito. Kayo mismo kung saan may mga rare species diyan at ma-conserve natin and ma-convert natin into tourist spot diyan. Definitely kayong mga residente ang maka-benefit niyan kasi it can create employment and business,” dagdag pa ni Mission.

Aabot ng kalahating oras ang biyahe patungong Barangay Sumaray mula sa bayan ng San Remegio.

Hangad ng alkalde na mapaayos ang daan patungo sa mga namumulaklak na amorphophallus para makatulong sa pagpapaunlad ng turismo sa bayan.

Contact Us

0961 807 0345

Brgy.Poblacion (Calag-itan), San Remigio, Antique, Philippines